Monday, September 01, 2008

UNAHIN ANG KAPAKANAN NG MAMAMAYAN, ITIGIL ANG UMIIGTING NA DIGMAAN!

SA MGA KASAMA, KAPATID AT KAIBIGAN NA NANINIWALA SA KAPAYAPAAN,

KALAKIP NITO ANG PANAWAGAN NG MGA PEDERASYON AT SAMAHAN NG MAMAMAYAN SA LALAWIGAN NG MAGUINDANAO AT SHIARIFF KABUNSUAN NA KASALUKUYANG NASA GITNA NG PAPAIGTING NA LABANAN SA PAGITAN NG MILF AT GRP.

LUMAGDA AT SUMAMA SA KAMPANYA PARA SA KAPAYAPAAN.


KUNG MAY MGA TANONG, PAGLILINAW, TULONG, SUPORTA AY MAKIPAG-UGNAYAN LAMANG SA MGA SUMUSUNOD:
• Mokalidin Kido - Chairperson, Maguindanao Ad-Hoc CSO Federation and President of Pandag Federation of CSO, 0926-320-6861
• Hadji Quirino Oranto - Vice-Chairperson, Maguindanao Ad-Hoc CSO Federation and President of Barira CSO Federation, 0919-779-3835
• Moslemin Abas - Community Organizer, Community Organizers Multiversity, 0919-449-5602
------------ --------- --------- --------- --------- --------- ---


UNAHIN ANG KAPAKANAN NG MAMAMAYAN,
ITIGIL ANG UMIIGTING NA DIGMAAN!
LUNGSOD NG COTABATO, AGOSTO 21, 2008

Higit 100,000 pamilya ang kabi-kabilang itinataboy ngayon sa mga ‘evacuation centers’ at milyong mamamayang Moro at Kristiyano ang naiipit sa umiigting na digmaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at Tropa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Milyong halaga na ng kabuhayan ang nasira, mga ari-arian na nasunog, mga batang tumigil sa pag-aaral, mga proyekyong-pangkaun laran na nawalang saysay, mga buhay na puno ng takot at agam-agam. Ito at marami pang iba na mukha ng digmaan na naranasan namin noong All-out-war 2000, Pikit-War 2003 at hanggang sa kasalukuyan.

ITIGIL NA ANG DIGMAAN. Ilang araw nang balot sa pangamba ang mga mamamayan ng Maguindanao, Shariff Kabunsuan at kabuuan ng Mindanao mula sa sunod-sunod na palitan ng mga putok at iringan sa pagitan ng magkabilang panig. Simula sa unang bakbakan nuong Agosto 09, 2008 sa Pikit, Aleosan, Pigkawayan at Midsayap sa North Cotabato, hanggang sa Lamitan, Tipo-Tipo sa Basilan, Kauswagan, Kulambugan, Linamon, Maigo sa Lanao del Norte, sa Maasim Saranggani, at hanggang ngayon sa Shariff Aguak Maguindanao at Kabuntalan Shariff Kabunsuan. At gayundin sa marami pang karatig pook at barangay na naaabot ng mga putok at pagsabog mula Maguindanao, North Cotabato hanggang Zamboanga at Iligan City.

Mga pangyayari na maaaring mauwi sa mas matinding panganib, magdulot ng maraming pagkasira ng kabuhayan at kinabukasan, mga buhay na mawawala at mapipinsala at isasantabing kapakanan ng mas nakararaming mamamayan. PROTEKTAHAN ANG BUHAY AT KINABUKASAN NG MAMAMAYAN, WALANG MANANALO SA DIGMAAN.

KAYA KAMI, mula sa iba’t ibang Pederasyon at Samahan ng mga Mamamayan mula sa Maguindanao at Shariff Kabunsuan na kumakatawan sa mga naging biktima at magiging biktima ng digmaan at bilang mga samahan na inatasan upang manguna para sa kagalingan ng aming lugar at mangalaga ng kapayapaan ay nagkakaisang nananawagan sa magkabilang panig NA IGALANG ANG KARAPATAN NG MAS MARAMING MAMAMAYAN UPANG MAMUHAY NG MAPAYAPA AT LIGTAS, ITIGIL ANG DIGMAAN AT ISIPIN ANG KAPAKANAN NG LAHAT. BUMALIK SA MAHINAHONG NEGOSASYON AT IPAGPATULOY ANG USAPANG KAPAYAPAAN. Nananawagan din kami sa lahat ng sektor at insitusyon, sa mga NGOs, pribadong sektor, simbahan at lokal na pamahalaan na tumulong sa dagliang pagtugon sa pangangailangan ng mga kapatid nating kasalukuyan biktima ng digmaan at sa pagkumbinsi sa magkabilang panig upang maging mahinahon at bumalik sa negosasyon.

HINDI DIGMAAN ANG TUGON SA KAHIRAPAN, IPAGPATULOY MULI ANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN AT IGALANG ANG KARAPATAN NG MAMAMAYAN.


HADJI QUIRINO ORANTO President – Barira CSO Federation
TAHA DIRON President – Buldon CSO Federation
KHANAPPI AYAO President – DOS Federation of CSO
EDUARDO DIESTRO President – Datu Piang CSO
ASGAR AMILOL President – SSB CSO Federation
HADJI AKMAD COMPANIA President – Talayan CSO Federation
SAJID ABDULLAH President - Alliance of Active Organizations in Guindulungan
ISHMAEL ENTAL President - Datu Anggal Migtimbang
Multi-sector Federation for Peace and Development
CITA ABU President – United Civil Society Organization of Datu Montawal
MODRIKA MASUKAT President – Alliance of Municipal CSOs of Paglat
MADATO USMAN Vice Chairperson – Datu Blah Sinsuat CSO Federation
MOSIB LUMAMBAS Vice President – Sultan Kudarat CSO Federation
AMINA PUALAS President – Sindaw Ko Kalilintad
ALEX ALBA Executive Director - TASBIKKA
AMIL ABDULRAHMAN President – Datu Odin Sinsuat Radio and Information Association
ROJIPAY MANGULAMAS President -Talama Association for Peace and Development
HJA. GIOBAY DIOCOLANO Executive Director – Kadtabanga Foundation of Peace and Development Advocates, Inc.
ADBUL CADIR MARANDACAN President – Salam People’s Organization, Buldon
EDILBERTO VILLARUEL Mindanao Coordinator – Community Organizers Multiversity
ALIBATA GUMAGA Datu Paglas CSO Federation
HADJI CASIM ZAMAN President – IFABN, Matanog
MAMA KAMION Mamasapano CSO Federation
RAYHAN DIGANDANG Federation of United Mindanawan Bangsamoro Women Multi-Purpose Cooperative
OTING AGTING KFPDAI
MISUARI AKMAD Auditor - Datu Paglas CSO Federation
ESMAIL SALIK Chairman – Datu Anggal Midtimbang Multi-Sector Federation for Peace and Development
LOLITA SANTOS Treasurer – Datu Montawal CSO Federation
MARTEN SAMBUTUAN Secretary – Sultan sa Barongis CSO Federation
SAMIRA USMAN Secretary – CSO Pagalungan Federation
JANGCALA BUTULAN Secretary – FAPCSO
MOKHAMAD TOLINO United Youth for Peace and Development
DATU MARCOS UNTONG President – CSO DOS
RASUL MANTIKAYAN Assistant Treasurer – CSO DOS
MOKALIDIN KIDO President – Pandag Federation of CSO
ISAGANI DEANO President – Upi People’s Council
ZENITH MATURAN Staff – Upi People’s Council
KUSAIN AMIN CO - KFDAI
MOHAMMAD ABAS Supervisor – TASBIKKA / CDFS
MOSLEMIN ABAS CO – CO Multiversity
MILA SULTAN Business Manager – Talayan CSO Federation
SUHARTO UTAP President – RABPA CSO Federation

No comments: